Monday, April 19, 2010

Maskman Opening Song

Marami sa ating mga nagkamalay noong dekada nobenta ang namulat sa mga katulad nina Maskman, Bioman, Machine Man, Jet Man, Five Man, at marami pang ibang mga “Man.”
Nakaka-miss ang mga panahong ayaw nating sumama sa Simbahan dahil hindi natin mapapanood ang ating paboritong palabas tuwing Linggo ng umaga. Kaya para sa mga katulad kong nagkamalay noong dekada nobenta, narito ang aking alay.
Sariwain ang ating kabataan kasama si Maskman! Enjoy the Nostalgia!
Humanda na kayo
Kampon ng kadiliman
Oras na ng pagtotoos
Kasamaaan niyo’y dapat matapos
Narito na sila
Bayaning tagapangtanggol
Sa masama’y lilipol
Maskman
Kayo lang ang pagasa
Iligtas kami sa marahas na kadiliman
Kami’y inyong ipaglaban
Sigi sigi laban Maskman
Ipagtangggol ang kapayapaan
Sugod sugod laban Maskman ipagsanggalang ninyo ang katarungan
Buong mundo’y magpupuri’t magpupugay mabuhay
Laser Squadron Mas…ku…man

repost from juanrepublic

No comments:

Post a Comment